Ito ay sa oras na dumaan na sa seminar ang nga drivers na
ito sa isla sa darating na ika-23 hanggang 24 ng Nobyembre, para sa programang
ipinatutupad ng Municipal Tourism Office (MTO) na “Tourism Frontliners
Enhancement for Sustainable and Globally Competitive Tourism Industry”.
Ito ang inihayag ni MTO Chief Operation Officer Felix Delo
Santos Jr., sa panayam dito kaugnay sa kanilang pinapalakas na proyekto para maabot
ng Boracay ang “international standard” na serbisyo para sa mga turista.
Sa dalawang araw na seminar na ito sa mahigit isang libong drivers
sa Boracay, malaking tulong at mahalaga umano ito, gayong ang mga driver ay may
direktang ugnayan sa mga turista dahil sa kanilang trabaho.
Dahil dito, para masigurong magagamit din ang mga ang
itinuro sa kanila, magkakaroong ng monitoring at evaluation ang MTO Office sa
pakikipagtulungan ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC).
Lalo na upang malaman kung may mga driver at sino sa mga ito
ang “nakakarami” na sa ng reklamo ng mga commuters.
Ang nais ng LGU Malay, ang drivers ay magakroon din ng sapat
na kaalaman upang maging tour guide din ang dating.
Sa seminar sa mga ito, darating ang taga-Land Transportation
Office (LTO) Aklan para ibigay ang kanilang tips sa ligtas at tamang
pagmamaneho.
Gayon din ang Department of Tourism para ipakita sa mga ito
kung ano ang kahalagahan ng mga drivers sa turismo ng isla, at ang Department
of Labor and Employment (DOLE) upang maging resources speaker sa Customer
Service.
Dito din umano ilalatag ng MTO ang mga mahahalagang
impormasyon at mga posibleng isasagot ng mga frontliners na ito sa mga madalas
na itanong ng mga turista sa drivers.
At kapag nakita umano ng MTO sa record ng BLTMPC sa gagawing
evaluation kung sino ang hindi pa rin sumusunod sa mga batas, alituntunin ng
isla at palaging inireklamo, pagdating ng renewals of permit sa transportation
section ay doon na umano sila pananagutin, at maaaring na bibigyan ng permiso
para sa kanilang operasyon. #ecm112012
No comments:
Post a Comment