Ayon sa hepe ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) na
si P/S Insp. Jeoffel Cabural, hindi ito imposible dahil sa pagdami ng mga
turistang pumapasok sa isla mula din sa iba’t ibang lugar.
Kaya hindi rin umano nalalaman kung sino sa mga ito ang mga
nagtatago at may pananagutan sa batas.
Dahil dito, nananawagan si Cabural sa mga pamilya ng mga nabiktima
ng anumang krimen na ang salarin ay hindi pa nahuhuli, na magbigay umano ng
kopya ng larawan o anumang impormasyon tungkol sa mga taong ito sa BTAC, upang
mapasama sa mga dapat tutukan ng awtoridad sa isla.
Tulad na lamang umano sa nahuli nila kagabi na may kasong “illegal
recruitment” na si Mayflor Tingson ng Dingle, Iloilo, kung saan dahil umano sa ibinigay
na impormasyon sa BTAC ay nahulog sa kamay ng awtoridad.
Makaraang itong arestuhin sa bisa ng warrant of arrest ay
hindi na ito pinahintulutan pang makapagpiyansa sa kasalukuyan dahil sa bigat
ng krimen na ginawa.
Nabatid na ang suspek na nahuli ay nakagawa ng krimen nitong
nagdaang taon sa Pasay City kung saan doon makikita ang kanilang opisina.
Bunsod nito, sila umano sa BTAC ay gagawin ang lahat para
mahuli ang mga indibidwal na naririto sa isla para magtago.
Malaking tulong din umano kahit ang maliit na impormasyon na
ibinibigay sa pulisya para sa pagkakahuli sa mga ito dahil gaano man aniya
kahirap para sa awtoridad na hanapin ito sa isla dahil sa dami ng tao dito at
labas pasok pa, pero sa kooperasyon ng mga residente, tinitiyak nito na
mahuhuli din ang mga nagtatagong ito dito sa Boracay. #ecm2011
No comments:
Post a Comment