Katunayan, ayon kay Dra. Mishelle Depacaquibo, Chief
Operation Manager ng Boracay Hospital, na nasa estado na sila ngayon ng paghahanda
para sa master plan ng pagamutang ito.
Prayoridad umano nila ngayon ay ang ipapatupad sa
konstraksiyon ng gusali kung saan P40M umano ang pondo na ibibigay ng
Department of Health para sa unang bahagi pa lamang ng proyekto.
Matapos na maipatupad aniya ang first phase ng gusali,
isusunod na rin ang karagdagang P40M para sa iba pang kakailanganin ng ospital.
Dahil dito, aasahang tataas na rin aniya ang lebel ng pagamutan
mula sa primary at aakyat sa secondary, lalo na kapag magiging maayos na ang
lahat pati ang mga serbisyo at kagamitan nila.
Ngunit, inaasahan aniya taong 2015 pa ito posibleng mangyayari.
Samantala, nilinaw din nitong ang pagamutan ay Municipal
Hospital pa rin hanggang sa ngayon.
Pero ang gastos umano sa araw-araw na operasyon gayon din
sahod ng mga staff o tao dito ay nagmumula sa probinsiya.
Aminado din si Depacaquibo na problema nila kung magsimula
na ang konstraksiyon, kung saan nila ilalagay ang mga pasyente at ibang gamit
kung sisimulan na ang pagsasaayos. #ecm112012
No comments:
Post a Comment