Pero ipinaliwanag ni Dra. Mishelle Depacaquibo, Chief
Operation Manager ng Boracay Hospital, na nanaisin man nilang madaliin ang
lahat para matapos ng maaga subalit sa sobrang dami aniya ay halos inaabot na sila
diin ng maghapon.
Dahil dito, payo nito sa mga magpapa-check up na magtungo
doon ng maaga upang hindi na sila abutin pa ng hapon.
Humingi din ito ng pag-unawa at umapela sa mga
magpapacheck-up na kung maaari ay maging pasensiyoso sa paghihintay na sila na
ang maisalang dahil araw-araw aniya ay isang doktor lamang ang duty at isa lang
din ang medical technologist o MedTech.
Hinihikayat din ngayon ng nasabing manggagamot na dapat ay
i-avail ng mga babaeng buntis sa isla ang libreng “prenatal check-up” sa
ospital tuwing Huwebes at Biyernes ng hapon. #ecm112012
No comments:
Post a Comment