Ito ang ipinaliwanag ni Magdalena Prado, Municipal Social Welfare
Development Officer (MSWDO) sa mga magulang lalo na sa espesyal na lugar tulad
ng Boracay.
Kung saan makakakita ka umano ng maraming oportunidad para
kumita na mahirap makontrol sa kanilang aktibidad, katulad ng pagbibinta,
pag-gawa ng sand castle sa front beach dis-oras ng gabi at kung ano pang
pagkakakitaan.
Lalo na at nakakapit na umano sa Boracay ang tinatawag na
turismo kaya, mahalaga na ma-momitor ng mga parents ang kanilang mga anak sa
kanilang gawain at wag lamang hahayaang pagala-gala, masangkot sa kung ano mang
aktibidad na labag sa batas o ordinansa man.
Sa ganito aniyang pagkakataon, malaking tulong din ang pagmamalasakit
ng isang indibidwal, sa paraan ng pagsusumbong ng mga ito sa kinau-ukulan kung
may nalamang tino-tolerate ng magulang ang kanilang mga anak.
Sapagkat, sa ilalalim umano ng batas particular sa
Presidential Decree 603 o kilala sa
tawag na “The Child and Youth Welfare Code” at Republic Act 9344 o “Juvenile
Justice and Welfare System”, kapag makita at napatunayan na may pagkukulang ang
mga magulang sa mga anak, maaaring makasuhan ang mismong mga magulang ng bata.
Bunsod nito, nanawagan si Prado sa mga magulang na gabayang
mabuti ang kanilang mga anak, upang hindi malihis ng landas.
Kung matatandaan, aminado si Island Administrator Glenn
Sacapaño na nahihirapan silang supilin ang mga pagala-galang mga bata sa beach
gabi-gabi dahil ang iba sa mga ito ay dinadala din ng mismong kanilang mga
magulang at tino-tolerate pa kahit sa maling gawain.
Kaya suhestiyon nito, magulang na lang ang kasuhan para totoong
magampanan ang kanilang obligasyon sa mga bata. #ecm112012
No comments:
Post a Comment