Ito ay matapos na i-nomina ang nabanggit na barangay ng Boracay
Island Water Company (BIWC) bilang isa at naunang barangay sa labas ng Maynila na
nararapat na bigyan ng tulong para sa ikakaunlad ng pangkabuhayan ng pamilyang naninirahan
sa pinagkukunan ng suplay ng tubig ng Isla ng Boracay.
Ani Carla May Kim, Executive Director ng Manila Water
Foundation, ang kooperatibang SAMAKANA ay magiging susi para umangat ang kabuhayan
ng mga naninirahan sa Nabaoy kung saan oportunidad din nitong palaguin ang pinahiram
na puhunan para sa mga kalakal tulad ng niyog ,asukal ,at bigas na walang interes
sa loob ng dalawang taon.
Ikinatuwa at ikinagalak naman ni Nabaoy Baranggay Captain
Pablo Claud at SAMAKANA Chairman Nolasco Claud ang ipinagkaloob sa kanilang oportunidad.
Samantala, inihayag naman ni Ben Manosca, COO ng BIWC na nakaplano
na ang pagtulong nila na sa pagkakaroon ng tubig sa mga kabahayan na naunang hiniling
ng kanilang kapitan.
No comments:
Post a Comment