Ito ang inaasahang magiging sagot sa mga panlolokong ginagawa
ng ilang komisyuner sa front beach.
Bagay na isinusulong ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay,
bilang tugon sa mga reklamong natatanggap nila kaugnay sa umano ay mahal na
paniningil sa mga turista ng mga nag-aalok na ito ng iba’t ibang sea sports
activities sa Boracay.
Ayon kay Island Administrator Glenn SacapaƱo, pagkakaroon ng
taripa sa bawat aktibidad ang hamon nila ngayon sa mga establishementong
nagmamay-ari ng sea sports.
Aniya, kadalasan na nangyayari ay ipapakita lamang ng mga
komisyuner ang card nila na naglalaman ng mga aktibidad at sila na ang
nagpi-presyo sa mga turista.
Kaya karamihan umano sa mga inirereklamo ng mga dayuhang ito,
ay sobrang mahal at over charging ang paniningil nila.
Dagdagan pa aniya na minsan
ay makaraang makuha ang bayad sa mga nakontrata nila, hindi na nagpapakita pa
sa turista para sa kanilang serbisyo na binayaran na.
Aniya, ang ganitong gawain ay napaka-pangit para sa Boracay,
sa kabila umano ng kampaniyang ginagawa ng pamahalaan para sa promosyon ng
Boracay. #ecm112012
No comments:
Post a Comment