Sa proklamasyong ginawa ng Palasyo at sa bisa ng
Proclamation No. 500 Series of 2012 nitong ika-7 ng Nobyembre, pinagtibay ng
Pangulong Benigno S. Aquino III na sa halip ng Caticlan Airport ay ipapangalan
na ito sa tinaguriang ama ng probinsiya ng Aklan na si Godofredo P. Ramos.
Maliban sa pangulo, pinatotohanan din ito ni Executive
Secretary Paquito N. Ochoa.
Nakasaad sa Presidential Proclamation na ang dedikasyon ni
Ramos at serbisyo nito sa bayan na siyang nakatulong sa pagprogreso ng Aklan, ang
rason upang ipangalan dito ang Caticlan Airport.
Pero sa kabila nito, pinalitan ito ng pangalan ng mga namumunong
pribadong indibidwal at ginawang Boracay Airport sa layunin, madaling mai-market
umano ng paliparan sa mga turista.
Ang proklamasyon ay nilagdaan isang araw bago ang 101
anibersaryo ng kaarawan ni Ramos nitong nagdaang Huwebes.
Kung maalala, una nang iprinoklama ni dating Pangulong
Gloria Arroyo na ipangalan kay Ramos ang paliparan sa Caticlan, at ngayon ay
sinegundahan din ito ni PNoy. #ecm112012
No comments:
Post a Comment