Ito ang inihayag ni Magdalena Prado, Municipal Social
Welfare Development Officer (MSWDO) ng Malay.
Dapat aniya ang mga nagka-caroling ay may permit mula sa mga
barangay, gayong sa national level ay may ipinatutupad ding “Solicitation
Permit Law”.
Ayon kay Prado, depende sa mga barangay kung magbibigay sila
ng permit sa mga grupo o organisasyon na nais mag-caroling.
Gayong sa pag-a-apply pa lang umano ng permit ay dapat
nakalagay na ang pakay at kung para saan ang kikitain ng mga ito.
Ang pinahihintulutan lang din umano ay kung para sa mga kapos
palad o isang Charitable institution ang makikinabang sa kikitain.
Pero nilinaw ni Prado na ipinagbabawal talaga ang pangangarolling
sa mga bata, sapagkat delikado sa mga ito ang malibot pa kapag gabi, bagay na
ipinagbawal ito sa mga bata para iwas sakuna. #ecm112012
No comments:
Post a Comment