YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label sea sports activities. Show all posts
Showing posts with label sea sports activities. Show all posts

Friday, November 16, 2012

Manifesto sa mga biyahe ng bangka sa Boracay, mahigpit na ipinapatupad

Ni Christ Dela Torre, YES FM Boracay

Ang kapakanan ng bawat pasahero ang pangunahing rason kung bakit may inilalatag na security measures sa isang bangka lalo pa sa isang lugar na maraming biyahero, partikular na sa isla ng Boracay na dinadayo ng mga turista at bakasyunista.

Kung saan, ilan sa mga seguridad na ipinapatupad ay ang manifesto.

Ayon kay Lt. Commander Terence Alsosa ng Caticlan Coastguard, mahigpit nilang mino-monitor ang pagpapatupad ng manifesto sa mga pampasaherong bangka sa Cagban at Caticlan Jetty Port.

Ngunit aminado si Alsosa na dahil na rin sa maraming turistang sumasakay at limang minuto lang ang palugit na ibinibigay sa mga kapitan ng bangka upang umalis, ay mabilisan na ang pagsakay kanilang mga pasahero sa bangka, kung kaya’t sa loob na lamang ng bangka pinapa-ikot ang manifesto at isinusumite naman ito ng Kapitan o crew ng mga bangka sa coastguard.

Ayon pa kay Alsosa, may sariling kooperatiba ang mga bangka na siyang nagpo-provide din ng manifesto, at kanila na lamang itong tsini-check upang malaman kung ilan ang pasahero ng bangka lalo pa kung masama ang panahon.

Sinabi pa nito na maging sa mga island hopping, diving at lahat ng sea sports activities ay ipinapatupad nila ang pagkakaroon ng manipesto.

Siniguro din ni Alsosa na makakatiyak ang mga pasahero na ang bawat biyahe ng bangka ay may insurance kung saan ang bawat biyahe o operasyon na kanilang gagawin ay nasa ligtas na pamamaraan.

Friday, October 26, 2012

Mga komisyuner sa front beach, inireklamong nangha-“harass” na naman

Nangako ang hepe ng Municipal Auxiliary Police (MAP) sa Boracay na agad nitong a-aksiyunan ang reklamo kaugnay sa pangha-“harass” at pag-“ambush” ng mga komisyuner sa ilang turista sa front beach nitong umaga.

Ito ay kasunod ng reklamong ipinaabot sa himpilang ito ni Jonathan Escobar na isang empleyado sa isla at nabiktima di umano ng mga komisyuner gayon din ang mga kamag-anak nitong nagbabakasyon sa Boracay.

Sa reklamo ni Escobar, labis-labis na inis umano ang naramdam nila nitong umaga sapagkat, hinarang-harang pa sila habang naglalakad para alukin ng sea sports activities.

Maliban dito, isa pa sa kaniyang kamag-anak ay ginising ng isang komisyuner habang nagsa-sun bathing para alukin lamang ng kung anu-anong aktibidad.

Dahil dito, agad aniyang pagagalawin ni Rommel Salsona, hepe ng MAP sa isla, ang kaniyang nasasakupang tao para aksiyunan ang reklamong ito.

Ayon pa sa hepe, dapat ay nasa vegetation area lamang ang mga komisyuner at hindi na kailangan mang-harang at mag-harass ng mga turista.

Sa kasalukuyan din aniya, sa Station 1 at 3 lamang umano pinapahintulutan ang mga ito, dahil ipinagbabawal sa ngayon ang mga komisyuner sa Station 2.

Kung maaalala, madalas na lang mga komisyuner na ito ay nirereklamo ng mga resort owner lalo na ng mga turista dahil sa katulad na gawain, na di umano ay nang-i-istorbo sa mga nais mag-relax na bisita sa front beach. #ecm102012

Thursday, October 25, 2012

Paliligo sa beach at mga sea sports activities sa Boracay, bawal muna dahil sa Bagyong Ofel

Mahigpit nang ipinapatupad ngayon sa front beach ang pagbabawal sa paliligo pansamantala ngayon araw.

Ito ay dahil nasa ilalim parin ng Storm Signal Number 2 ng bagyong Ofel ang buong probinsiya ng Aklan kasama ang isla ng Boracay na nagdadala ng malakas na hanggin at naglalakihang mga alon sa baybayin.

Bunsod nito, puspusang pagbabantay ngayon ang ginagawa at pagpapatrolya ng Life Guard sa front beach upang pagbawalan muna ang naliligong ito, gayong delikado pa sa ngayon.

Bagamat sumusunod naman ayon sa Life Guard ang iba, hindi pa rin maiiwasang mayroong nagmamatigas at nagpupumilit pa ring maligo.

Pero wala umanong magagawa ang Life Guard kundi ang paahunin ang mga ito mula sa tubig para din sa kanilang kaligtasan.

Nabatid mula kay Life Guard Ortega na sakali umanong mayroong magreklamo dahil sa pina-ahon at pinagbawalang maligo ang mga turista sa isla.

Tumatanggap naman umano sila ng anumang reklamo, gayong nakahanda naman aniya ang supervisor ng Life Guard na magpaliwanag sa mga turistang ito.

Sa kabilang banda, naman hanggang ngayon ay kanselado pa rin ang biyahe ng lahat ng bangka.

Maging ang sea sports activities sa Boracay ay pansamantalang itinigil din.

Samantala, ayon kay CPO Serafio Trogani ng Coast Guard Caticlan, mamayang alas onse ng umaga kapag maglabas na ng panibagong pagtataya ng panahon ang PAGASA at maibaba sa storm Signal # 1 ang Aklan ay posibleng magdesisyon din sila na ibalik na ang biyahe ng mga bangka, depende umano sa sitwasyon. #ecm102012

Friday, October 12, 2012

Boracay Island Hopping Association, iginiit na dapat nang sumali sa Boracay Action Group

Malbert Dalida, News Director, YES! FM Boracay

Dapat nang sumali sa Boracay Action Group ang BIHA o Boracay Island Hopping Association.

Kailangan na umano kasing i-upgrade at i-ayon sa standard ng turismo ang lahat ng mga sea sports activities sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi kanina ni Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño kaugnay sa mga regulasyong pinag-usapan kahapon sa pulong ng LGU Malay at mga taga Boracay Island Hopping Association.

Maliban sa sinabi nito kanina na papi-pinturahan ng bughaw at puti ang mga pump boat ng BIHA, ikinatuwa umano ni Sacapaño na nagkasundo ang lahat sa mga inilatag ng alkalde at ng konseho doon.

Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon na ng 200 meter setback para sa anchoring ng mga bangka saan mang bahagi ng isla, upang hindi maapektuhan ang rehabilitasyon ng mga korales.

Dapat ay ipatupad na rin umano ng BIHA ang pag-‘display’ng taripang inilatag ng MARINA o Maritime Industry Authority, upang maiwasang malito at mabiktima ng mga nananamantalang komisyoner ang mga turista.

Naniniwala umano si Sacapaño na hindi na sana umabot sa puntong pinag-uusapan ang tungkol sa mga komisyoner kung wala silang natanggap na reklamo ng pang-aabuso.

Kung kaya’t sinabi nitong dapat ang mismong mga taga BIHA na ang magsilbing pulis para sa kanilang mga quest o turista, at tumulong sa mga programa ng BAG, sa pamamagitan ng pagsali dito.