Dahil malaking palaisipan pa rin umano sa kanila kung ano ang
motibo ng hindi na papangalanang saksi sa kaso para gawin ito sa kanila.
Gayong kaibigan umano nila ang witness na ito at nasa
Maynila ito ng mangyari ang krimen.
Nagtataka din ang mga ito umano kung bakit matapos ang krimen
ay nakikisalamuha pa ito sa kanila kahit alam ng mga ito na siya ang tumatayong
testigo sa kaso laban sa kanilang dalawa.
Kaya panawagan nila sa witness, sana ay maisip nito ang
epektong dala sa buhay nilang dalawa at sa pamilya.
Masakit din daw sa loob nila na sila ang nakakulong, habang ang
tunay na salarin ay malaya.
Ganoon pa man, nakahanda aniya sila at kanilang mga testigo
na patunayan na hindi sila ang salarin.
Pero tila masakit ang loob ng mga ito dahil sa sila ang
napapagbintangan at humaharap ngayon sa kahihiyan. #ecm112012
No comments:
Post a Comment