Hindi nagpahuli ang mga atletang ito sa isinagawang Youth
Swimming Competition na “Trick or Treat” sa Kuala Lumpur, nitong ika-26 hanggang
ika-29 ng Oktubre.
Ang 12 na manlalangoy na ipinadala ng Pilipinas ay pawang
mga Aklanon na siyang naging pambato ng bansa.
Karamihan sa mga ito ay nagmula sa bayan ng Malinao, kung
saan tatlo dito ay anak ni Aklan Board Member Selwyn Ibarreta.
Suportado naman ng Philippine Sports Commission (PSC) at
Philippine Aquatic Sports Association (PASA) ang pagtungo ng mga manlalaro na
ito sa Malaysia.
Nasungkit ni Miguel Ricardo Dagandan ang unang medal sa
100-meter breaststroke at ribbon bilang heat winner sa 100-meter freestyle.
Nagpakitang gilas din Selwyn Amiel Ibarreta, na nakapagbulsa
ng isang silver na medalya matapos makuha ang ikalawang pwesto sa 50-meter
butterfly at ribbons bilang heat winner din sa 50m freestyle and 50-meter
backstroke.
Samantala, si Ada Beatriz Ortega ay tumanggap naman ng award sa event na 100-meter
freestyle, habang si Samantha Evette Ibarreta ay nag-uwi din ng award sa
200-meter individual medley.
Walo pang Aklanong manlalangoy ang kasama sa kompetisyon at
ito ay sina Elijohn Andre Equina, Adrian Colin Hilario, Kyle Medrano, Eleni
Angeli Debuque, Isabella Selyn Ibarreta, Krisette Hart Ezpeleta, Eva Marie
Sazon at Rachelle Ann Lorisse Respicio.
No comments:
Post a Comment