Natiklo at nasa kamay na ngayon ng awtoridad ang dalawang tinuturong suspek sa pagpatay sa dalagitang si Aprilyn Tana.
Sa bisa ng warrant of arrest na ibinababa ni Regional Trial Court Branch 3 Assisting Judge Bienvenido P. Barrios ng Kalibo, Aklan noong ika-24 ng Oktubre ng taong kasalukuyan.
Nadampot dito mismo sa Boracay ang dalawang suspek na sina Joseph Orate y Paniza, 26-anyos, tubong Iloilo at nagtatrabaho sa isla bilang sea sports commissioner, at si Rodel Gelito y Reyes, 26-anyos ng Sitio Hagdan, Barangay Yapak.
Kapwa rape with homicide ang kaso ng dalawa na wala at hindi pwedeng mapiyansahan.
Mga operative ng Criminal Investigation and Detection Group sa pangunguna ni SPO4 Joseph De Jose kasama ang Military Intelligence Group ang naghain Arrest Warrant sa dalawang suspek.
Dadalhin naman ang dalawa sa bayan ng Kalibo para doon idetine habang nililitis ang kaso.
Matatandaang ang bangkay ng nasabing biktima noong ika-27 ng Mayo taong 2011 ay nakita sa bunga-nga ng kuweba na tinabunan pa ng malalaking bato sa Mt. Luho Area sa Sitio Lugutan, Barangay Balabag.
Ang kaso din na ito ay inaabangan ng mga Boracaynon dahil mahigit isang taon din na naging palaisipan para sa mga taga-Boracay kung sino ang salarin at kung kaylan mabibigyang linaw ang kaso. #ecm112012
No comments:
Post a Comment