Base sa
report ng Boracay PNP, pumutok ang unahang gulong ng nasabing traysikel,
dahilan upang mawalan ng kontrol ang bente tres anyos na drayber nitong si
Hernan Irabon.
Sinasabing
bumangga pa sa pader ang traysikel bago ito sumemplang, kung kaya’t nagtamo ng
pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang mga pasahero nitong sina Raffy
Dalida y Abayon, Genaro Raz y Gonzalez, at Lucia Gelito y Semporio.
Nabatid na
papunta sana ng Cagban port ang mga ito ng mangyari ang insidente, mag-aalas
nuwebe kaninang umaga.
Samantala,
dahil sa tinamong pinsala sa ulo at kaliwang braso, ay minarapat namang ilipat
sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo ang drayber na si Hernan at ang pasahero
nitong si Genaro.
No comments:
Post a Comment