Ito ang paulit-ulit na inihayag ni Joseph Orate at Rodel Gelito,
na kapwa itinuturing na suspek sa karumal-dumal na pang-gagahasa at pagpatay sa
nasabing dalagita.
Pero dahil sa sila umano ang pinagbibintangan sa ngayon,
wala silang magagawa kundi ang harapin ang kasong ibinabato sa kanila.
Katunayan, nang pinadalhan umano sila ng subpoena noong
nangyari ang krimen ay ni hindi nila naisip na tumakas sa awtoridad dahil handa
naman silang harapin ito para mapatunayan na wala umano silang kinalaman sa krimen.
Naniniwala din ang mga ito na napagbintangan lamang sila, at
gawa-gawang lamang ang paratang ng witness laban sa mga ito.
Kaugnay nito, nagpa-abot din ng mensahe ang dalawa sa
pamilya ng biktima na umano ay hindi talaga sila ang may gawa sa panghahalay at
pagpatay sa kanilang anak.
Si Aprilyn ay ang dalagitang pinatay at tinabunan ng mga
bato sa bunganga ng kuweba sa Sitio Lugutan sa Area ng Mt. Luho noong Mayo ng
taong 2011. #ecm112012
No comments:
Post a Comment