Boracay ang napiling magiging venue sa gaganaping world championships ng Wind Surfing.
Kung saan, isang malaking karangalan nanaman para sa
Boracay, ang mapili ang islang ito, na siyang kauna-unahan sa Pilipinas na
pagdadausan ng karera ng mga nagwi-wind surfing.
Ang limang araw na aktibidad na ito ay gagawin sa darating
na ika-10 hanggang ika-15 ng Disyembre ng taong ito.
Sa presentasyong ginawa ni Neneth Pangulo ng Boracay
Island Paddlers Association o BIPA sa Sangguniang Bayan Session nitong Martes,
ika-6 ng Nobyembre.
Upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, manlalaro man o mga
bisita sa isla na naliligo sa front beach, humingi si Grap ng suporta sa paraan
ng pang-endurso sa event.
Siguridad at kaligtasan ng lahat ang unang ihiningi ng
tulong ng Graf sa mga konsehal maliban sa tulong pinansiyal at suporta sa mga
lalahok na darating.
Sapagkat aniya ang karera na ito ay gagawin sa front beach
sa Station 2, gayong batid naman umano ng lahat na ang baybayin ay akupado ng
mga turistang nagsa-sun bathing at naliligo.
Nabatid na dalawang Boracaynon ang makakasama sa
napakalaking event na ito, na lalahukan ng mga wind surfer mula sa iba’t ibang
bansa na tutungo dito sa isla.
Nakikila ang Boracay upang pagdausan ng international
windsurfing championship na ito, dahil sa ang Bulabog Beach ay sikat na ring
lugar para sa windsurfing at kite boarding .
Dahil dito, inaasahang dudumugin ang Boracay ng mga turista
sa Disyembre.
Dahil maliban sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko, Bagong
taon, at Ati-atihan, magiging rason din ang aktibidad na ito upang sadyain ang
Boracay.
No comments:
Post a Comment