Kumpirmado na na hindi nga kasama sa mga pupunduhan o bigyan
ng budget sa susunod na taon ng 2013 ng Economic Enterprise Development
Department (EEDD) ng Aklan ang Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital.
Sapagkat, nilinaw ngayon ni Dr. Michael I. Terencio Head ng
EED Department na hindi under ng departamentong ito ang ospital sa Boracay.
Sa panayam kay Dr. Terencio nitong umaga, inihayag niyang
bagamat sa ilalim ng Governor’s Office ang EEDD, pero hindi umano nila ito
saklaw.
Sapagkat sa ngayon nasa ilalim parin ng panga-ngalaga ng
Provincial Health Office/PHO ang pagamutang ito sa isla.
Sinabi rin nito na sa kasalukuyan kasi ay Municipal Hospital
parin ang estado ng Boracay Hospital na mas kilala rin sa tawag na Boracay
Hospital.
Aniya tanging tatlong district hospital lamang ang under
ngayon sa EEDD at iyon ay Ibajay at Altavas District Hospital gayon din ang
Provincial Hospital.
Ito ang tugon ng EEDD Manager, kasunod ng mainit na debate ng
Sangguniang Bayan ng Malay kahapon, kung saan balak sana nilang magpasa ng
resulosyon upang mapasama din at mabigyang pundo ng EEDD ang pagamutan na ito
sa isla.
Lalo pa at pangunahing panga-ngailangan aniya ito sa Boracay.
No comments:
Post a Comment