Ngayon buwan
palang ng Nobyembre, klinaro na ng Island Administrator ng islang ito na bawal
ang mag-caroling ngayong nalalapit na ang Pasko at kahit sa araw pa mismo ng
Pasko.
Aniya,
nangangamba sila na sa dami taon-taon ng nagka-caroling sa Boracay ay hindi na
nila masiguro lalo na ng mga residente, kung ano ang tunay na pakay ng
paglilibot na ito sa mga bahay-bahay.
Kaya ganon
na lamang aniya ang ginagawa nilang paghihigpit sa mga nais mag-caroling sa
isla.
Aniya mapa
bata man ito o matanda, ay ipinagbabawal na dito.
Dahil dito,
payo ni Island Administrator Glenn SacapaƱo sa mga residente, kapag may
nag-caroling o kaya ay naghahararana at nag-iikot para manghingi ng donasyon o
pera.
Agad umanong
ipagbigay alam sa mga Barangay Officials at Tanod o kaya ay sa Municipal Social
Worker para masiyasat ang mga dukomento nila at ma-aksiyunan agad.
No comments:
Post a Comment