File photo |
Bagamat
bumaha ang mga pasahero ng Roll-On-Roll Off/RORO sa Caticlan Jetty Port gabi,
araw ng Linggo.
Naisakay
naman lahat ng maaayos sa barko, para maka-uwi na Maynila, gayong tapos na rin
ang long week-end o araw ng bakasyon sa eskwelahan man at trabaho, kasabay ng
pagdiriwang ng Undas.
Ito ang
nabatid kay PO 2nd Condrito Alvares ng Philippine Coast Guard
Caticlan sa panayam dito nitong umaga.
Aniya, sa
dami ng pasaherong dumagsa sa pantalan simula pa kahapon hanggang alas diyes ng
gabi kagabi.
Wala namang
na sa stranded sa mga ito dahil naisakay lahat sa last trip.
Kung saan
naging maayos din at hindi nagka-problema ang pagdaan ng mga pasahero sa Jetty
Port kahit pa dagsa, dahil organisado na rin aniya ang sistemeng ipinatupad
doon.
Ganon paman,
sa kabila ng pagbaha ng mga pasaherong pabalik sa Maynila kagabi, inaasahan parin
umano ng PCG Caticlan na, simula ngayong tanghali ay kakapal parin ang bilang
ng mga pasahero sapagkat ngayon pa lamang babalik ang iba.
No comments:
Post a Comment