File photo |
Ininguso
ngayon ng Municipal Engineers Office sa Tourism Infrastructure and Enterprise
Zone Authority/TIEZA ang hindi parin nasusulusyunang problema sa drainage at ang
umaapaw na laman ng sewerage sa manhole.
Ayon kay
Engineer Elezer Casidsid, Municipal Engineer ng Malay ang problema sa main road
ng Manoc-manoc sa kanto ng Lugutan Area sa Sitio Tulubhan ay nasulosyunan na
nila ang pagbaha doon.
Kung saan
nasa plano na na sila ng pag-kongkreto sa kalsadang ito na kapag umulan ay
na-iipunan ng tubig lalo na kapag napuno na ang Drainage.
Nilinaw din
nito na hinihintay na lamang nilang malinis ng TIEZA ang drainage dito upang
diretso na rin ang pagsasaayos nila ng kalsada.
Sapagkat sa
kasalukyan, problema parin ang drainage sa lugar na ito.
Inihayag din
ni Casidsid na hindi na saklaw ng tanggapan nila ang problema sa sewer at
drainage, gayong hindi naman sila ang nagmimentina sa operasyon ng dalawang
ito.
Katunayan ay
ilang beses na rin umanong nangako sa kanila ang TIEZA na aayusin ito at
hinihintay na rin nila.
Kaya tila
naghihintayan lamang ang dalawang tanggapan na ito.
Pero wala
paring nagyayari, kaya maging sila ay nahihiya na rin sa sitwasyong ito ng
isla.
No comments:
Post a Comment