Aminado ang
lokal na pamahalaan ng Malay sa Boracay na mahirap parin nilang masawata ang
mga batang pagala-gala sa front beach hanggang sa ngayon.
Ito ay kahit
na mahigpit na ipinatutupad ang Curfew hour, na dapat pagsapit ng alas diyes ng
gabi ay wala ng mga menor de edad na gumagala pa sa isla.
Ayon kay
Island Administrator Glenn Sacapaño, problema talaga nila ngayon ang mga
kabataang ito, kung saan ang iba umano ay tino-tolerate pa ng kanilang
magulang.
Katunayan ay
nakikita pa ang mga ito na nagbibinta ng kung anu-ano pailaw o laruan sa front
beach.
Aminado si
Sacapaño na nahihirapan silang hulihin ang mga menor de edad na ito dahil baka
ma disgrasya pa kapag hinabol ng mga Municipal Auxiliary Police/MAP.
Pero minsan
ay mismong ang mga magulang pa aniya ang nagdadala para maghanap buhay sa gabi.
Bunsod nito,
siya na rin umano ang nagpanukala sa Municipal Social Welfare na dapat ay
kasuhan na ang mga magulang ng batang nahuhuli ng paulit-ulit na lumalabag sa
curfew.
Ito ay upang
malaman umano ng mga magulang ang obligasyon sa kanilang mga anak.
Subalit ayon
sa Administrador, naging laman na rin ng pulong nila kung papaano mabibigyang
sulosyon ang problemang katulad nito.
No comments:
Post a Comment