Ordinaryong araw lamang para sa mga taga Boracay
Airport ang “Godofredo P. Ramos Day” na ipinagdiriwang ngayong araw.
Bagamat simpleng idinadaos ang ika- isang daan at
isa taon ng “Godofredo P Ramos Day” at naghanda ng ilang aktibidad ang
pamahalaang probinsiya ng Aklan para sa pag-gunita sa makasaysayang araw na ito
sa mga Aklanon.
Maituturing naman na naging malamig ang araw na
ito sa tinubuang lugar ng tinaguriang “Ama ng probinsiya”.
Sapagkat sa dating Caticlan Airport, na naging
Godofredo Ramos Airport at nitong huli
ay naging Boracay Airport na.
Nabatid mula sa Trans Air, ang bagong namumuno sa
paliparang ito ng naging Boracay Airport na, na walang ano mang aktibidad na
inihanda dito para sa selebrasyong ito kaya simpleng araw lamang ito sa mga
naroroon.
Ito ay sa kabila ng malaking pangalan na nakalagay
sa labas ng gusali ng paliparan, ang pangalang Godofredo Ramos.
Kung matatandaan, ang Airport na ito ay
ipinangalan kay Ramos, bilang pagkilala sa kaniyang serbisyo sa bayan ng Malay
na siyang home town nito.
Ngunit pinalitan na ito ngayon na naging kontrobersiyal
pa.
No comments:
Post a Comment