Umabot na sa
mahigit tatlongpung motorsiklo sa Boracay ang ipinatapon sa main land Malay
dahil sa walang Permit to Transport.
Nabatid mula
kay Rommel Salsona, Hepe ng Malay Auxiliary Police/MAP na ang nabanggit na
bilang na ito ay walang mga Permit to transport at illegal na na-ipasok sa
Boracay.
Aniya dalawa
beses na umano silang nakapag-transport ng mga nahuling motorsiklo at dinadala sa
mainland.
Sa
kasalukuyan ay may walo pang na-impound ngayon at ini-ipon pa nila hanggang sa
umabot sa labin lima o dalawangpu para sabay nang madala palabas ng isla.
Maliban
dito, marami na rin umano silang nahuling, pumapasada gamit ang single na motorsiklo,
walang sticker ang motor at hindi nagsusuot ng helmet ang driver.
Kung
matatandaang, nitong ikalawang bahagi ng taon ay nagpatupad ang LGU Malay ng
Moratorium o pagpapatigil sa pag-isyu ng Permit to transport sa mga
motorsiklong ipapasok sa Boracay.
Gayong sa
Boracay ay subrang dami na rin ang motorsiklo kaya ikinasa ang Moratorium, kaya
aasahang ang mga nahuling ito ay hindi na mabibigyan pa ng permit para maibalik
pa sa Boracay ngayon taon.
No comments:
Post a Comment