File photo |
Ngayong
umiiral parin ang Task Force Moratorium sa Boracay para sa konstraksiyon ng mga
gusali, ay kapansin-pansin naman ang pagsulputan ng mga gusali sa isla.
Pero nilinaw
ni Engr. Elezer Casidsid, Municipal Engineer ng Malay na hindi naman ibig
sabihin nito ay ban o bawal na talaga ang magtayo ng gusali sa Boracay.
Ito ang
sagot ng enginero, sa kapansin-pansing pagdami ng mga ginagawang gusali sa
kabila ng Moratorium na ipinapatupad.
Paliwanag
nito, ang iba sa mga building na ito ay noon pa nagkaroon ng premiso bago
ipatupad ang Moratorium kaya may mga building permit na, habang ang iba naman
umano ay renovation at expansion lamang.
Sapagkat sa
Task Force na ito, ay nag-set ng alituntunin ang lokal na pamahalaan ng Malay
sa pagtatayo ng gusali sa isla upang maging maayos lahat.
Kung saan
kabilang umano sa guidelines ay dapat mahigit dalawangpung milyong piso ang
halaga ng itatayong gusali para payagan at daan sa proseso muna.
Samantala,
mahigpit na ipinatutupad naman ngayon ayon kay Casisid ang Task Force
Moratorium na ito.
Kabilang
dito ang pagbabantay na rin nila sa mga lumalabag sa Building Code na sa
Boracay, gaya ng implementasyon ng 14 feet na taas ng gusali, illegal na
konstraksiyon at iba pa.
Violation
ticket naman umano ang tinutugon nila sa mga nahuhuli nilang lumabag.
No comments:
Post a Comment