Posted November 12, 2015
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Mahigpit ng ipagbawal ang pag-ahon o pagdiskarga ng
anumang materyales o prudukto mula sa mga sasakyang pandagat sa gitna ng
karagatan na sakop ng Boracay.
Ito ang nilalaman ng kalatas na ipinalabas sa utos ni
Aklan Governor Florencio Miraflores na balak ipatupad ngayong buwan Nobyembre.
Pinagbasehan ni Miraflores ang R.A. 7160 o Local
Government Code kung saan dapat ipatupad ang mga polisiya para sa environmental
protection lalo na sa dagat na sakop ng Malay at Boracay.
Subalit umalma ang ilan sa mga negosyante at haulers
kasama na ang ilan sa mga contractors dahil umano sa mahabang proseso na
maaring pagdadaanan nila bago maibaba o maipasok ang kanilang kargamento sa
isla.
Ayon kasi sa bagong patakaran, kailangang kumuha muna ng
permit o clearance sa LGU-Malay sa pamamagitan ng Jetty Port Administration
kalakip ang pagsumite ng mga dukomento mula sa MARINA, PPA, at Philippine Coast
Guard.
Sa bagong sitema, ang mga semento ay dapat ding ibaba
muna sa Dumaguit Port bago i-barge papuntang Boracay.
Sa ngayon, balak ng mga apektadong grupo at kooperatiba
na idulog ang kanilang reaksyon sa opisina ni Governor Miraflores para hingin
ang ilan sa mga konsiderasyon na nais nilang mangyari hinggil sa bagong
kautusan.
No comments:
Post a Comment