Posted November 9, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sumailalim sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas
(KBP) Seminar ang ilang broadcasters at enthusiast sa probinsya ng Aklan, Capiz
at Antique nitong Sabado sa Aklan Training Center Kalibo.
Ito ay pinangunahan nina Atty. Marienne Ibadlit, Chapter
President IBP Aklan, Mr. Orly Pangcog, Board of Director KBP Authority at
Ms. Vergie Velasco, Performance Officer of KBP Standards Authority bilang mga
panauhing pandangal.
Sa naging mensahe ni Ibadlit ipinunto nito ang tungkol sa
Libel case na maaaring kakaharapin ng isang mamahayag sa oras na ito ay maling
naibalita.
Ayon naman kay Pangcog, ang pagiging broadcaster ay isa
umanong pribilihiyo kung kayat dapat umanong mag-ingat sa pag-sasalita sa radyo
lalong lalo na ang pagbibigay kumento at mang-personal dahil sa mga ganito
aniyang sitwasyon ay maaari kang mawalan ng trabaho.
Samantala, sinabi naman ni Velasco na dapat ang lahat ng
KBP Radio Station sa bansa ay kailangang sumailalim sa accreditation bilang
bahagi ng pulisiya ng KBP.
Kaugnay nito sumailalim naman sa exam ang 33 broadcasters
at enthusiast na kinabibilangan ng mga Army, AKELCO employees at mga estudyante
na nanggaling sa probinsya ng Antique, Capiz at Aklan.
No comments:
Post a Comment