Posted November 13, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ipapadala ang 15 mga Police Officer ng probinsya ng Aklan
sa lungsod ng Maynila para sa idaraos na Asia Pacific Economic Cooperation
(APEC) Summit sa susunod na linggo.
Ito ay para lalong mapa-igting ang seguridad sa
isasagawang meeting ng mga dadalong delegado mula sa ibat-ibang bansa kabilang
na si US President Barack Obama.
Ayon sa Aklan Provincial Police Office (APPO) ang mga
pulis na mula sa Aklan ay may karanasan na rin sa seguridad para sa APEC matapos
itong isagawa sa Bacolod, Iloilo at Isla ng Boracay.
Sinabi pa ng APPO na nakatuon ang trabaho ng mga
ipapadalang pulis sa Maynila sa mga inaasahang protesta sa kasagsagan ng APEC Summit.
Samantala, pormal na ring binukasan ngayong araw ang APEC
Summit sa Maynila ngunit magsisimula naman ang meeting ngayong Lunes Nobyembre
16 hanggang 20, 2015.
No comments:
Post a Comment