YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 11, 2015

Land dispute sa Nabas, nauwi sa barilan isa patay isa sugatan

Posted November 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for shooting incident
Away umano sa lupa ang kumitil sa isang lalaki at nag-aagaw buhay na isa pa sa nangyaring shooting incident sa Brgy. Union, Nabas kaninang madaling araw.


Ayon kay P03 Nida Gregas ng Aklan Provincial Police Office (APPO) nangyari umano ang insidente dakong ala-5:20 kanina habang naka-duty sa Disputed na area ang dalawang biktima.

Nakilala ang namatay na si Loreto Burdas 45-anyos matapos idiklarang dead on arrival sa Caticlan Baptist Hospital kung saan kritikal din ang kasamahan nito na si Jaymar Mosong 24-anyos na parehong residente ng Rizal Province Region IV.

Sinasabing naka-duty umano ang mga biktima sa land-dispute na lupain sa Brgy. Union, Nabas, Aklan ng sila ay pinasok ng hindi nakilalang mga kalalakihan na nakasuot ng bonnet.

Dito mabilis na isinugod sa pagamutan ng mga rumisponding tao sa lugar ang mga biktima kung saan hindi na nga naka-abot ng buhay sa pagamutan si Burdas habang si Mosong ay ginagamot pa sa isang ospital sa bayan ng Kalibo.

Samantala, patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Nabas PNP sa pangunguna ni PO1 investigator Alvin Remundo at ng Scene Of The Crimes Operative (SOCO).

3 comments:

  1. ano po ang pangalan ng may-ari ng lupa?

    ReplyDelete
  2. gusto po nmin sna maiuwi o maipadala dto s manila caloocan city ang kanyang katawan..

    ReplyDelete
  3. ako po ay kapatid ni loreto burdas..

    ReplyDelete