Posted November 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi umano damay sa implementasyon ng gobyerno ng Aklan
ang mga maliliit na cargo boat sa isla ng Boracay ayon kay Jetty Port
Administrator Niven Maquirang.
Ito ang sagot ni Maquirang sa mga katanungan ng mga
operator ng mga maliliit na cargo boat matapos ang ipinalabas na memorandum ni
Governor Florencio Miraflores, na pagbabawal sa pagdaong ng malalaking barge at
vessel na lagpas sa 300 Gross Tonnage sa Boracay.
Ayon kay Maquirang, ang pagbabawal umano sa pagdaong ng
mga barge at vessel sa isla ay para maprotektahan ang mga local haulers at mga
suppliers.
Samantala, sinabi pa ni Maquirang na ang mga local
haulers ay kailangang ng sa LGU Malay kukuha ng permit at hindi na sa probinsya,
dahil iba na umano ang pagproseso nito kaysa sa mga malalaking barge.
Nabatid na ang pagbabawal sa pagdaong ng malalaking barge
at vessel sa Boracay ay para sa environmental protection at safety sa bisinidad
ng Malay waters na malapit sa Baracay.
No comments:
Post a Comment