Posted November 14, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nanlumo ang dalawang turista matapos silang nakawan
habang naliligo sa harap ng isang hotel sa Station 1, Brgy. Balabag, Boracay,
Malay, Aklan kaninang kaninang madaling araw.
Nakilala ang dalawang turista na sina Bryan Jimenez,
28-anyos isang American Citizen at at si
Syuzanna Dak Al Bab Russian National, 30- anyos na nagbabakasyon lamang sa
isla.
Reklamo ng dalawa sa Boracay PNP, iniwan umano nila ang
kanilang gamit sa dalampasigan para maligo sa dagat pero ngunit ilang minuto
lang ay napansin nitong si Jimenez na may isang lalaking biglang kumuha ng
kanilang iniwang gamit.
Mabilis naman umano itong hinabol ni Jimenez ngunit hindi
niya rin ito naabutan kung saan tumakas ang suspek sa direksyon na papuntang
main road Balabag.
Nabatid na nakuha sa biktimang si Al Bab, ang isang
cellphone, credit card, hotel card, 30 US Dollar at isang daang peso habang
nakuha naman kay Jimenez ang kanyang maong pants na naglalaman ng wallet, isang
cellphone at perang nag-kakahalaga ng P1500.
Samantala, sinubukan naman ng mga pulis na hanapin ang
suspek na tumangay sa mga nasabing gamit ngunit ngayon ay bigo parin nila itong
matunton.
No comments:
Post a Comment