Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tatlong araw na sumailalim sa training ng Department of
Tourism (DOT) Region 6 ang mga fisherfolks sa Malay na ginanap sa isla ng
Boracay nitong Nobyembre 9-11, 2015.
Ayon kay Kris Velete, Officer-in-charge ng Department of
Tourism (DOT) Sub-Office, sinanay umano ang mga fisherfolks na ito bilang isa ring
mga tourguide.
Nabatid na ang pagsasanay ay bahagi ng payao project ng LGU,
Malay Fisherfolk at Seaweed Planters Association Inc. at ng Department of
Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Sinabi pa ni Velete na ang payao project ay bahagi ng
bottom-up budgeting (BuB) project ng DOT na ang layunin ay makapag-tayo ng area
bilang isang fishing sites para sa mga turista.
Samantala, maliban umano rito ay ibinahagi rin sa mga
mangingisda ang ibat-ibang mga ordinansa sa bayan ng Malay kung saan magiging
katuwang na rin sila ng Bantay-Dagat.
Napag-alaman na ang proyektong ito ay naglalayon ding
mapabuti ang marine ecosystem ng Boracay sa pamamagitan ng pagtataguyod at
muling pag-usbong ng mga isda at reef fishes sa bisinidad ng isla.
No comments:
Post a Comment