Posted November 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa-plano na umano ngayon ng Provincial Government ng
Aklan ang pagsisimula ng construction sa reclamation project sa Caticlan Jetty Port
Ito ang sinabi ni Jetty Port Administrator Niven
Maquirang kung saan malapit na umanong matapos ang pagtatambak ng bato sa
nasabing area.
Dahil dito nakatakda na umanong simulan ang panibagong
port na siyang magsisilbing unloading area ng mga bangka mula sa isla ng
Boracay.
Napag-alaman na ang Reclamation Project ay may sukat na
2.6 hectares na proyekto ng Provincial Government ng Aklan.
Maliban dito magsisilbi din umano itong docking area ng
mga Ferry Boat at Fast Craft kung saan ang existing port ay aayusin naman para
maging daungan ng mga Cruise ship.
No comments:
Post a Comment