YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 09, 2015

Biktima ng shooting incident sa Boracay hindi pa matukoy kung kaninong grupo

Posted November 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Wala pang pagkakakilanlan ang Scene of the Crime (SOCO) Boracay kung sino ang nakabaril at naka patay sa isang security guard sa nangyaring land dispute sa Manoc-manoc Boracay nitong Biyernes.


Sa panayam ng YES FM Boracay kay PO1 John Reyes Montuerto ng SOCO, tikom umano ang bibig ng mga bantay sa loob ng land-dispute area kung kanino kabilang ang namatay na biktima.

Ayon pa kay Montueto hindi din umano makapagbigay ng pahayag ang hinostage ng mga armadong kalalakihan na pumasok sa area na si Retired Master Sgt. Wilfredo Abelinde kung ang biktimang si Orchi Hilario ay kasama ba nila o hindi.

Sinabi din nito na tanging pamilya lamang ng biktima ang sumama sa ginawa nilang otopsiya sa bangkay kung kayat nahihirapan umano silang ma-conclude kung kanino ito kabilang.

Maliban dito sinasabing nakasuot umano ng bonet ang hindi tiyak kung ilang kalalakihan na pumasok sa area bandang alas-3 ng madaling araw, kung saan naganap ang palitan ng putok dahilan para mahirapan umano silang tiyakin kung sino ang nakatama sa biktima.

Sa kabilang banda nare-cover umano ng SOCO sa loob ng area ang limang baril na kinabibilangan ng isang shotgun, isang caliber 38-revolver, isang 9mm, isang revolver at isang curvage shotgun.

Samantala, nakatakda namang dalhin ang mga nakumpiskang baril sa bayan ng Kalibo para sa masusing imbestigasyon ng mga pulis.

No comments:

Post a Comment