YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, November 14, 2015

Maayos na imprastraktura ang solusyon sa Boracay-Senator Marcos

Posted November 14, 2015
Ni Alan C. Palma, YES FM Boracay

“Maayos na suporta mula sa pamahalaan at maayos na imprastraktura”.

Ito ang nakitang sulosyon ni Senador Bong-Bong Marcos na kailangang gawin ng gobyerno para matugunan ang ilang suliranin na kinakaharap ngayon ng Boracay.

Aminado ang senador na “Infrastructure Program” ang isa sa kahinaan ng pamahalaan para masabayan ang anumang development na ngayayari hindi lang isla kundi maging sa buong bansa.

Ayon pa kay Senador Marcos, hindi umano nasunod ang zoning at ilan pang plano para sa Boracay.

Ang mga development ay maaayos lamang umano kapag masasabayan ng gobyerno ang pagpapatayo ng mga pangunahing iprastraktura tulad ng kalsada at sewerage at sapat na tubig at kuryente.

Maganda daw ang pasok ng investment kapag maayos ang suporta ng gobyerno.

Samantala, sa ginawang press conference hangad din nito ang tagumpay ng APEC Summit dahil malaki anya ang potensyal at kakayahan ng Pilipinas sa pagpapalago ng ekonomiya.

Si Marcos na tumatakbong Bise-Presidente ay dumalo at naging pangunahing panauhin sa 5th Philippine Cooperative Teamshop na ginanap sa La Carmela Boracay.

No comments:

Post a Comment