Posted November 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muli na namang ipapatawag ang operator ng Petro Wind
Energy Project sa Sangguniang Bayan (SB) Session ng Malay ngayong darating na
Martes.
Ito’y matapos maobserbahan ni SB Member Rowen Aguirre ang
kulay putik na tubig sa Napaan River na sinasabing naapektuhan ng pagpapatayo
ng wind mill sa area ng Napaan.
Ayon kay Aguirre walang nangyaring pag-uulan nitong mga
nakaraang araw ngunit ang tubig na dumadaloy sa nasabing ilog ay tila putik.
Dahil dito nakatakdang ipagpaliwanag sa Session ang mga
kinauukulan ng nasabing proyekto dahil sa lumilikha umano ito ng problema sa
mga residente sa lugar at sa kalapit na Brgy.
Maliban dito apektado din umano ang mga palayan sa Brgy. Cogon
ng Malay dahil sa dito umaapaw ang tubig kung saan hindi na umano masustansya
ang kanilang inaaning palay dahil sa nasabing putik.
Napag-alaman na hinukay ang ilang bahagi ng ilog sa
Napaan para itayo ang wind mill na nagdudugtong mula sa Pawa Nabas.
No comments:
Post a Comment