YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 10, 2015

Pasaway na mga bangka sa Boracay, pinagmulta ng mahigit tatlong libong peso

Posted November 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Walang ligtas ang mga operator ng ilang bangka sa Boracay matapos mahuli na na nag-a-anchoring sa ipinagbabawal na area sa karagatang sakop ng isla.

Bilang penalidad pinagbayad ang mga ito ng tatlong libong peso para sa boat captain at dalawang libo at limang daan naman sa bawat crew ng mga bangka.

Nabatid na ang mga nahuling bangka ay ang ginagamit para sa island hopping activity, fishing boats at sail boats na siyang nag a-anchoring sa area kung saan naroon ang mga artificial coral reefs/reef doom ng Boracay Foundation Incorporated at Sangkalikasan Reef buddies na nagreresulta ng pagkasira.

Ang Seaborne Patrolling sa sea water territory ng Boracay ay pinangunahan naman ng Boracay Action Group sa pamumuno ni Commodore Leonard Tirol, Adviser/Consultant.

Kasama din nito ang Boracay PNP, PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard-Boracay, BRTF, Malay Auxiliary Police, PCGA-Boracay at Russell Cruz ng White Sand Water Sports at Annie Trixie Asis, Marine Biologist ng Boracay Foundation Incorporated.

Napag-alaman na may itinilagang area kung saan dapat ang tamang anchoring ng mga bangka sa Boracay para maiwasan ang pagkasira ng mga coral reefs sa Boracay.

No comments:

Post a Comment