Posted November 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang nagtulak sa ilang manggagawa sa isla ng Boracay
para ireklamo ang boat ticket lane sa Caticlan Jetty Port.
Hinaing ng mga manggagawa, dapat umanong magkaroon sila
ng sariling linya na nakahiwalay sa mga turista sa pagbili ng ticket upang
hindi sila ma-late sa pagpasok sa trabaho, kung saan ang ilan sa mga ito ay galing
pa sa mainland Malay at ibang kalapit na bayan.
Dahil dito, sinabi naman ni Jetty Port Administrator
Niven Maquirang na may inilaan na ngayong ticketing booth ang Caticlan Boracay
Transport Multi Purpose Cooperative (CBTMPC) para sa mga solong manggagawa sa
isla.
Ngunit sinabi ni Maquirang na hindi pa naman ito sa
ngayon nag-ooperate ngunit ginagawan na rin ng paraan para sa mas-mabilis na
operasyon.
Dagdag nito, mapapabilis na rin ngayon ang pilahan
pasakay ng bangka dahil sa nakahiwalay na ang linya ng mga turista sa Aklanon
ngunit kailangan umanong ipakita nila ang kanilang ID. kasabay ng pagkuha ng
panibagong libreng ticket na may bar code na susuriin naman ng ilalagay na
turnstile.
Maliban dito tiniyak naman ni Maquirang na maaari ring makapag-avail
ng P20 na pamasahe sa bangka ang mga manggawa sa Boracay na siyang inilaan ng
CBTMPC.
Nabatid na iisang linya lang ang mga turista at mga
Aklanon sa pagbili ng ticket sa bangka, environmental at terminal fee naman sa
mga turista na siyang dahilan ng paghaba ng pila.
No comments:
Post a Comment