Posted November 11, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Aprobado na ang pondo para sa gagawing
Construction/Renovation ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital (DRSTMH) sa
bayan ng kalibo.
Itoy matapos na talakayin sa 40th Regular Session ng
Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan kaninang umaga ang nasabing usapin.
Sa Session, inaprobahan ang resolusyon ni Governor
Florencio Miraflores na magbukas ng deposit account para sa pondo ng nasabing
proyekto na nagkakahalaga ng P60 Milyon pesos.
Nabatid na ang pondo ay para sa ikakaganda ng hospital sa
pamamagitan ng construction/expansion at repair/renovation at Upgrading ng
Infrastructure ng nasabing ospital.
Samantala, napag-alaman na ang pondong P60 Milyon ay
nanggaling umano sa ahensya ng Department of Health (DOH).
No comments:
Post a Comment