Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Simula Nobyembre 17 hanggang 22 ngayong taon ay bibida
ang Aklan sa isasagawang Product Exposition sa pamamagitan ng Department of
Trade and Industry sa Iloilo City.
Ayon kay Engr. Diosdado Cadena, DTI-Aklan Director, 30
micro, small at medium enterprises ang sasali sa nasabing event na gaganapin sa
SM City Iloilo.
Tema umano ngayong 2015 product expo ay “Local Materials,
Global Quality” kung saan ibibida umano nila rito ang mga kalidad na fashion
wearable’s at gamit sa bahay mula sa kilalang Aklan’s piƱa and abaca.
Maliban dito ipagmamalaki din umano nila ang iba pang
produktong mula sa probinsya kagaya ng mga karne, bakery goods at ang mga
produkto na may kinalaman sa turismo.
Nabatid na ang Product expo. sa Iloilo ay taunang event
ng DTI para mapalakas ang marketing ng probinsya sa pamamagitan ng kanilang
ibat-ibang produkto.
Samantala, katuwang ng DTI sa nasabing event ang Hugod
Aklanon Producers Association, Inc., at sa pakikipagtulungan naman ng
Provincial Government ng Aklan.
No comments:
Post a Comment