Posted May 15, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dinagsa ang unang araw ng biometrics registration ng Commission
on Elections (COMELEC) nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Malay COMELEC Officer II Elma Cahilig, nasa
mahigit isang daan ang nagparehistro sa unang araw ng pagbubukas ng nasabing
registration.
Samantala, una namang ipinahayag ni Cahilig na hindi
maaaring makaboto ang isang botante kung walang biometrics kaya’t kakailanganin
ng mga ito na magparehistro para sa biometric data.
Ang biometrics system ang gagamitin para sa fingerprints
at larawan ng mga botante at magiging botante bago bigyan ng voter’s ID.
Inaasahan naman ang pagdagsa pa ng mga bagong botante
mula sa iba’t-ibang lugar sa Malay na magpaparehistro para sa darating na
eleksyon.
Kaugnay nito, muling ipinaalala ng COMELEC sa mga botante
na huwag nang antayin pa ang 2015 bago magparehistro para maiwasan ang abala.
Bukas naman ang opisina ng COMELEC Malay sa mga nais
magparehistro tuwing office hours mula alas otso ng umaga hanggang alas singko
ng hapon.
Kailangan lamang magdala ng valid ID, partikular ng
government ID at Live Birth para sa pagpaparehistro.
No comments:
Post a Comment