Posted May 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Minamadali na ng DOTC ang mga development projects sa
Aklan at Boracay.
Ito ang sinabi ni DOTC o Department of Transportation and
Communications Secretary “Jun” Abaya, kasabay ng ginanap na Phil Water
International Conference sa isla ng Boracay kahapon.
Ayon kay Abaya, tiniyak ng DOTC ang mga safety standards
sa Kalibo International Airport kasabay ng pagpapalapad sa parking space doon.
Tinatrabaho na rin umano ngayon ang mga planong proyekto
sa Cagban at Caticlan Ports bilang paghahanda sa nalalapit na APEC Summit.
Samantala, kinumpirma din ni Abaya na minamadali na rin
ang mga development projects sa iba pang lugar sa Panay katulad ng Iloilo
Airport, at Philippine Coastguard Search and Rescue base sa Roxas City.
No comments:
Post a Comment