Posted May 15, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Naniniwala umano si Aklan Governor Florencio Miraflores
na ‘wa epek’ sa mga Aklanon ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa Napoles
list.
Ayon kay Miraflores, wala siyang alam kung saan
nanggaling ang tinawag niyang unsigned list, dahil maaari namang gumawa o
maglagay ng pangalan sa listahan ang kahit sino.
Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Leila sa
isang pahayag na may listahan ito ng mga mambabatas na iniuugnay sa pork barrel
scam.
Sinabi pa nito na ipinagbigay alam na rin niya kay Presidential
Spokesman Edwin Lacierda na signed affidavit mula kay Janet Lim Napoles ang
kanyang hawak.
hahahahaha.... I dont think so... ang pamangkot, panu mn b mw mapabilang sa napolist kng wa mw conection ky napoles? anu gd do matuod katoon?
ReplyDelete