Posted May 13, 2014 as of 5:00pm
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Patay ang dalawang magkapatid at kanilang pamangkin
matapos malunod sa Numancia Aklan kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day nitong
Linggo.
Kinilala ni PS/Insp. Bernard Ufano ng Numancia PNP ang
mga biktima na sina Reynold Cipriano 29, Raymond Cipriano 26, at Gian Cipriano
6 na taong gulang, mga residente ng Andagao, Kalibo.
Ayon pa sa report, hindi marunong lumangoy ang mga
biktima kung kaya’t tinangay ang mga ito ng malakas na alon papunta sa malalim
na bahagi ng baybayin ng nasabing bayan.
Samantala, kinumpirma din ni Ufano na nakaligtas sa
pagkalunod ang kaibigan ng mga biktima na si Kevin Baylon ng Lawaan, New
Washington, Aklan.
Nabatid na nag-outing ang magpamilya nitong Linggo
para ipagdiwang ang Mother’s Day.
No comments:
Post a Comment