Posted May 13, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon kay Kabalikat Civicom Taguig Chapter Vice
President at National Motorcycle Head Martial Arjay Bimbo Amer, national project nila ang nasabing saf
ety seminar
para mismo sa kanilang mga miyembrong nagmomotorsiklo.
Mga volunteers lang kasi aniya ang mga miyembro ng
Kabalikat, kung kaya’t kinakailangang maging equipped o handa rin sila sa
tuwing sasabak sa mga rescue operations.
Maliban dito, sinabi pa ni Amer na nakakaalarma ang
mga balita hinggil sa mga aksidente sa motorsiklo sa bansa.
Kaya naman naniniwala umano ito na mababawasan ang
mga nasabing aksidente sa pamamagitan ng pagbahagi ng wastong kaalaman.
Samantala, nilinaw naman ni Amer na hindi lang para
sa kanilang mga miyembro ang nasabing seminar, kungdi sa iba pang miyembro ng
komunidad.
Nabatid na may mga miyembro din ng motorbike riders
sa isla ang dumalo sa seminar kahapon, ang ilang residente at miyembro ng
Muslim community sa isla.
Tampok naman sa seminar ang mga paalala katulad ng
bawal magmaneho ng motorsiklo kung nakainom ng alak, disiplina sa pagmamaneho,
at pagsusuot ng helmet at safety gears.
No comments:
Post a Comment