Posted May 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Magiging sapat ang suplay ng tubig para sa mga customer
ng Boracay Island Water Company sa kabila ng banta ng El Niño.
Ito ang ni sinabi ni Boracay Water Customer Service
Officer Acs Aldaba kasabay ng 22nd International Conference ng
Philippine Water Works Association kahapon sa isla.
Bagama’t aminado ito na nakaranas ng ‘low supply to no
supply of water’ sa ilang mataas na lugar sa isla nitong nakaraang LaBoracay at
Long Weekend.
Ipinaliwanag din ni Aldaba na dahil lamang ito sa di
karaniwang demand sa suplay ng tubig dulot ng pagdagsa ng mga turista ng mga
panahong iyon na halos na-triple sa nakaraang Holy Week.
Samantala, bagama’t tiniyak din ni Aldaba na walang
magiging problema sa suplay ng tubig mula sa Nabaoy River sa susunod na mga
taon, hindi umano ito dahilan upang hindi tayo magiging maingat at responsable
sa paggamit ng tubig.
Nabatid na pinaghahandaan na rin ngayon ng pamahalaan ang
pagpasok ng El Niño sa bansa.
No comments:
Post a Comment