Posted May 15, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Isinagawa ngayong araw ang pagsasanay ng mga partisipante
para sa gagawing aktibidad bukas kung saan susubukin ng Boracay na masungkit at
makapagtala ng bagong record para sa Guinness World Record for the Longest
Massage Chain.
Pumalo sa mahigit isang libo ang dumating para isaulo ang
masahe na sabay-sabay na gagawin bukas para sa unang araw ng selebrasyon ng
Boracay Day.
Maliban sa mga masahista, ilang organisasyon din ang
nakiisa para maisakatuparan ang target na dami ng sasali bukas.
Hawak ngayon ng Thailand ang record na 1,223 kung saan
1,500 naman ang target na maabot ng Boracay para sa bagong record.
Maliban sa mga volunteers, may darating din na mga
masahista mula Iloilo at Capiz para sumuporta.
Magsisimula ang registration alas singko y medya ng umaga
na bibilangin ang mga sasali sa pamamagitan ng digital counter ng paisa-isa
para matiyak ang dami na kalahok.
Sa ganap na alas-otso ng umaga,opisyal na gagawin ang
aktibidad na masusing babantayan ng mga taga-Guinness World of Records.
Para matiyak na malampasan ang record ng Thailand
,nanawagan naman si Municipal Tourism Chief Operation Officer Felix Delos
Santos na kung maari ay mag-imbita pa ng mga volunteers para magtagumpay ang
attempt na ito.
No comments:
Post a Comment