Posted May 14, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sa report ng Boracay PNP, nagsimula ang away ng
dalawa matapos umanong akusahan ng suspek na si “Elma” ang nagreklamong si “Lydia”.
Kinuha umano kasi ng huli ang cellphone charger ng
suspek na si Lydia.
Dahil dito, nagkaroon ng mainit na argumento sa
pagitan ng dalawa na nauwi naman sa komosyon.
Samantala, nang magharap naman sa himpilan ng
Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ay nagkasundo naman ang mga itong
ayusin ang gusot sa pagitan nilang dalawa.
No comments:
Post a Comment