Posted May 15, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Isa sa mga aktibidad na katuwang sa selebrasyon
ng Boracay Day ay ang paghikayat sa mga naninirahan sa isla na mag-ambag ng
kanilang dugo sa gagawing blood donation drive ng Philippine Red Cross
Boracay-Malay Chapter.
Ang konsepto ng aktibidad na may
titulong “ Dugtong buhay ,para sa Malay” ay para imbitahan ang lahat na
mag-donate ng dugo para maipamalas ang pagmamahal sa Boracay at bayan ng Malay.
Ayon kay Marlo Schoenenberger,
Administrator ng PRC Boracay-Malay Chapter ,maraming benepisyong pangkalusugan
ang maidudulot ng pag-donate ng dugo at ang isang bag nito ay makapagsalba na
ng tatlong buhay.
Inaasahan na mahigit sa isang daan ang donors
na tutugon sa panawagan na karamihan ay manggagaling sa iba’t ibang
organisasyon.
Kapag naabot ang bilang na ito
,makakatanggap ng parangal ang bayan ng Malay ng “Sandugo Awards” mula sa DOH .
Gagawin ang “Dugtong buhay,para sa
Malay” Mass Blood Donation Program bukas May 16,2014 kasabay ng unang araw ng
Boracay Day.
Ang programang ito ay balak namang
isagawa taon-taon lalo na kung maipasa na ang batas na magdedeklara sa Boracay
Day bilang Special Non-Working Holiday.
No comments:
Post a Comment