Posted May 12, 2014 as of 5:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang hinaing na nais ipaabot ng mga residente sa
isla ng Boracay hinggil sa patuloy pa ring nararanasang power interruption sa
isla.
Bagamat nauna nang humingi ng paumanhin ang Aklan
Electric Cooperative (AKELCO) dahil sa problemang ito na nararanasan hindi
lamang sa Boracay kundi pati narin sa iba pang mga bayan sa Aklan.
Hindi umano ito sapat ayon sa ilang residente
sapagkat ang nais nila ay kung ano ang posibleng hakbang ng kooperatiba upang
maaksyunan ang ganitong problema.
Ayon kay Liza, maliban sa madaling masira umano
kasi ang kanilang mga de kuryenteng gamit, at madaling manakawan dahil sa
biglaang kawalan minsan ng ilaw.
Perwisyo din para sa kanila ang init ng
temperaturang nararanasan dahil sa tagtuyot o mainit ang panahon.
Samantala, nabatid naman sa paliwanag ng AKELCO sa
isinagawang pagpupulong nitong Mayo 10 kasama ang Boracay Foundation Inc. (BFI)
na kaya nagkakaroon ng power interruption ay dahil sa low voltage at manual
load dropping.
Ito’y dahil na rin umano sa pagsasaayos ng
connection ng NGCP 69KV sa 50MVA ng Panit-an Capiz na naka-konekta rin sa Nabas
Aklan Substation kung saan kumukuha ng supply ang AKELCO.
Patuloy namang hinihimok sa ngayon ng AKELCO ang
mga member consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.
No comments:
Post a Comment