Posted May 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpapatuloy parin ngayon ang isinasagawang Blood
Donation ng Philippine Red Cross (PRC) Boracay-Malay Chapter.
Ito’y bilang bahagi ng selebrasyon ng Boracay Day ngayong
araw kung saan hinihikayat nila ang mga naninirahan at nagtratrabaho sa isla na
mag-donate ng kanilang dugo para sa naturang blood donation.
Konsepto naman sa aktibad na ito ay may titulong “Dugtong
Buhay, para sa Malay” para maipamalas ang pagmamahal sa Boracay at bayan ng
Malay.
Nabatid naman na hanggang alas-tres ng hapon ang isinasagawang
Blood Donation sa beach front ng station 2 Boracay.
Ibat-ibang organisasyon na rin ang tumugon sa aktibidad
na ito para makatulong sa kanilang kapwa at mga mahal sa buhay na
nangangailangan ng dugo.
Samantala, sakali namang makaabot ng mahigit isang daang
blood donor ang PRC Boracay-Malay Chapter ngayon ay makakatanggap sila ng
parangal na “Sandugo Awards” mula sa DOH .
Ang programang ito ay balak namang isagawa taon-taon lalo
na kung maipasa na ang batas na magdedeklara sa Boracay Day bilang Special
Non-Working Holiday.
No comments:
Post a Comment